My special contribution for all the victims of typhoon Ondoy



Biyaya ng Diyos sa Kabila ng Unos
By:ckd

Pilipinas, Perlas ng Silangan
Sagana sa magandang larawan
Ngunit dumating ang unos at bagyo
Buong bansa ay dumanas ng delubyo

Ang mga kahanga-hangang tanawin
Nagmistulang buhangin
Mayaman man o mahirap
Lahat ng tao sa tubig naging mailap

Ang mga pinundar na gamit
Sinira ng agos na nag-ngangalit
Ang mga pinaghirapan at pinag-ipunan
Nawaksi at naging kawalan

Ang mga magagarbong bahay
Parang gulay na nanlupaypay
Ang mga magagarang sasakyan
Nagkabali-baliktad sa daanan

Kaloob ba ito ng Diyos?
Hindi,ito ay kapabayaan ng taong utak upos
Ito ay ang pang-aabuso sa kapaligiran
Tiyak naman tao ang may paglalamayan

Bawat negatibong pangyayari
Ito ay may katumbas na misteryong hindi mawari
Ito ay ang pagkilos ng Diyos
Para ang tao ay makabangon ng lubos

Pagsubok na dala ni Ondoy
Sa pagkatao ay magpapatibay,kaya huwag managhoy
Taas noong manalangin
Tapangan ang loob,problema’y harapin.

Ang mga ninakaw ng diyablo
Lahat ng nawala sa kanila,sa iyo sa atin at sa lahat ng tao
siguradong ibabalik ng panginoon
doble, at higit sa mga natamasa natin noon.

Pananampalataya ang kailangan
Upang biyaya ay masumpongan.
Paniguradong lahat ng yaman
Iyong makakamtan.







Share |

6 comments (leave a comment):

Angel said...

ck. may masmgnda sana ako n picture.. hehehe.. sayang (^_^)

Nj said...

Makatak n pla ngaun haha!

gnda2x

J.I.N.Uine said...

iba ka talaga!
mapa tagalog or english.
:-)
2 thumbs up! very nice.

Angel said...

haha.. JINUINE... adik klala kta.. ahaha.. alias k p.. hahaha. joke.. naks.. yan ang einstein ng reborn. bwahahaa.. CK oh!! hahaha. db.. yeah!!! ,,L(^_-)

CKD said...

hahaha boogs.gmmit pa ng alyas ee noh.kilalang kilala nman haha :))

CKD said...

nj,akala ko p nman ako ang mgnda hahaha..

Post a Comment

 
Powered by Blogger, comments by Disqus