Ang larong DotA (Defense of the Ancient) ay isang custom map sa larong Warcraft 3. Ang katotohanan sa likod ng DotA ay hindi maganda. It ay isang satanic game. Sa pangalan pa lang ng mga karakter at tema ng laro, mahahalata na ang larong ito ay inspirado ng mythology, killing, bragging, devil at kung ano ano pang masamang elemento. Ito din ay nageengganyo sa mga manlalaro sa tema nito na patayan: masmaraming mapapatay, masmaraming pera at maging BEYOND GODLIKE (higit pa sa Diyos). Ang litrato sa kaliwa ay isang kuha mula sa larong ito. Dito ay ipinapakita ang deskripsiyon ng karakter na si Lucifer (Si Satanas mismo) na kilala din sa pangalang Doom Bringer.
Ang laro ay simple lang naman: depensahan ninyo ang sarili ninyong teritoryo at sakupin ang kabilang teritoryo. Dalawang koponan ang nahahati: ang Sentinel (good daw) at ang Scourge(ang mga kontrabida). Ang mga karakter ay halong tao at mga halimaw na nakikipaglaban sa isa't isa. Kailangan patayin mo ang karakter ng kalaban mo kundi ikaw ang papatayin at kapag napatay mo siya ay meron kang bonus money na pwede mong ipambili ng mga pampalakas ng karakter mo para mas lumakas pa.
Ano ang pakay nito? Ang #1 pakay nito ay purihin si satanas at hindi ang ating Panginoon. Ito ay isang malaking desepsyon kung saan ang naglalaro ay ineenjoy ang laro nang hindi niya alam na it pala ay isang pandaraya ni satanas.
Sa unang tingin pa lamang ay hindi na nakakalugod sa ating Panginoon ang larong ito. Ang sabi nga ng bibliya: "I will set no wicked thing before mine eyes: I hate the work of them that turn aside; it shall not cleave to me" -Psalm 101:3 (pasensya na sa Ingles na bersyon).
Ito ay ilan lamang sa mga CHEATS o mga salitang pandaya sa larong ito:
♦ WHOSYOURDADDY (Who's your daddy?/sino ang iyong ama?) - Ito ay ginagamit upang magkaron ng ganap na kontrol sa laro. Ito din ay tumutukoy na inaamin mo na ang ama mo ay si satanas na nagbigay sa'yo ng ganap na kontrol sa laro.
♦GREEDISGOOD (Greed is good/mabuti ang kasakiman) - Ito ay para magkaron ka ng masmaraming pera. Malinaw na din sa sariling salita kung bakit ito masama.
♦ISEEDEADPEOPLE (I see dead people/Nakakakita ako ng mga patay na tao) - Ito ay para makita ang buong mapa ng laro (kadalasan ng mga laro ay may mapa para makita ang lokasyon ng kung ano-anong bagay, karakter at kalaban). Ang ibig sabihin din nito sa literal ay kapag nakita mo na ang buong mapa, dinedeklara mo nang patay ang iyong kalaban dahil dinaya mo sa pamamagitan ng cheat na ito dahil mapagpaplanuhan mo na kung saang parte ka aatake.
Ito ay ilan sa mga pangalan ng mga karakter sa larong ito: Deathbringer, Skeleton King, Chaos Knight, Abaddon (ibig sabihin ay pagkawasak, isang pangalan ng demonyo na binanggit sa Bibliya), Leviathan (isang halimaw sa dagat na binanggit din sa bibliya), Necromancer (nakikipag-usap sa mga patay) at madami pang pangalang tumutukoy sa mga nilalang ng kadiliman.
Mejo mahirap ipaliwanag ang larong ito para sa mga hindi pa nakapaglaro nito. Binabalaan ko lang ang mga taong gustong subukan ang larong ito. Huwag kayong magpapadala sa pandaraya ng demonyo.
Hindi ko ipinagbabawal ang paglaro ng larong ito pero sa ngayon alam kong malinaw na para sa inyong mga mambabasa at kapwa kapatid sa Panginoon na ang larong ito ay devil inspired. Hindi makabubuti ang paglalaro nitong larong ito at alam ninyo iyon sa sarili ninyo. Sinasayang nito ang inyong panahon at pera. Ang kasiyahan sa larong ito ay panandalian lamang samantalang ang kaligayahan sa ating Panginoon ay hindi nakakasawa at magpakailanma'y hindi magbabago.
Sa madaliang salita: DotA = MASAMA. Hindi dapat ito nilalaro ng isang Kristyano, lalo na ang mga kabataan o kahit hindi din mga mananampalataya. Hindi lang ang larong DotA ang devil inspired. Madaming laro ngayon, lalo na sa mga kompyuter, ay devil inspired. Dapat nating piliin kung ano ang mga bagay na pumapasok sa ating mata at tenga.