Inspirational and Spiritual Poem For Those Who Are In a Batttle


Ano ang iyong kalidad, Ginto o Tanso?
by:ckd

Ang buhay ay puno ng pagsubok
masama at mabuti ang kalahok
ito ay motibasyon na nag-aamok
ituring mong kakampi hindi isang dagok

Ang dinanas na hirap ay pampatibay ng loob
nang sa gayon sa kahit anong laban ika'y hindi tataob
sa payong ng pananampalataya ikaw ay sumukob
tibay ng dibdib ang sa iyo ay papaloob

Ang iyong ugali animo'y ginto
sa apoy huhubugin at ipagtatanto
Ang pagsubok ang apoy, ikaw naman ang ginto
ano ang iyong kalidad, ginto o tanso?

Ang pagsubok ay huwag katakutan
bagkus iyong paglabanan
ito ay hinayaan ng Kataas-tasan
'pagkat alam niyang iyong malalampasan

Nasa iyo nakasalalay ang laban
ikaw ba ay susuko o may patutunayan?
Durugin ang gahaman,gamitin ang katalinuhan
magandang kinabukasan iyong makakamtan
kapag pagsubok iyong napagtagumpayan.





Share |

1 comments (leave a comment):

Angel said...

hahha.. makata k tlga.. anyways.. mgnda sia.. from the heart b yan??

by the way.. meron nga pla concert ang planetshakers d2 sa manila sa dec. 5. pnta ka???

Post a Comment

 
Powered by Blogger, comments by Disqus